Umaabot sa labing tatlong policy briefs base sa 13 na research papers ang tinanggap ng Kamara de Representates.
Ang “Evidence-based Research Project,” ay ukol sa paksang may kaugnayan sa 8-point socioeconomic program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Binigyang diin ni Marikina City Rep. Stella Luz Quimbo, na nangungunang tagapagsulong ng proyekto, mahalagang tungkulin ang research at data para sa kaunlaran ng bansa.
Aniya, mahalaga para sa Kongreso at academe na magtulungan tungo sa evidence-based decision-making.
Kabilang sa pagsasaliksik ang mga rekomendasyon sa mga paksang tulad ng mataas na halaga ng kuryente, mga usapin sa sektor ng pagkain, fiscal management, kalusugan, edukasyon, monetary at financial stability, employment at connectivity, pagsasaliksik at kaunlaran, bughaw at luntiang ekonomiya, government rightsizing, at ang mga sagabal sa daloy ng foreign direct investments (FDIs), at iba pa.
Si Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr. ang tumanggap ng mga reasearch outputs sa ngalan ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez. | via Melany Reyes