Malaki ang kagalakan ni Kabayan party list Rep. Ron Salo sa pagsasabatas ng Philippine Salt Industry Development Act matapos lagdaan ni Pangulong Ferdinad R. Marcos Jr. nitong March 11, 2024.
Bilang principal author ng panukala, sinabi ni Salo na magandang simula ito para ating salt farmers dahil mapapasigla na muli ang pag aasin na may malaking potensyal sa pagpapalago ng ating ekonomiya.
Nakapaloob sa Republic Act No. 11985 ang pagbuo ng Salt Roadmap na maglalaman ng mga komprehensibong programa at hakbang para sa pagpapaunlad at pagmodernisa ng salt industry upang sa kalaunan ay makapag-export na rin ang Pilipinas ng asin.
Ang itatatag na Salt Council ang mangunguna sa modernization at industrialization ng salt industry at titiyak sa epektibong implementasyon ng Salt Roadmap.
Dahil sa ituturing nang priority commodity ang asin ay exempted na ito sa ilang buwis at tutukuyin din ang mga priority area para sa salt production.
Exempted naman sa mandatory iodization ang artisanal salt, non-food grade salt at asin na pang-export.
Sabi pa ni Salo na hindi lang trabaho ang maibibigay ng batas na ito ngunit patas na oportunidad para sa mga salt farmers.
“I am grateful to President Ferdinand Bongbong Marcos, Speaker Ferdinand Romualdez, Senator Cynthia Villar, Cong. Mark Enverga, Cong. Wilbert Lee, and all other champions who lent their support to this crucial legislation,” ani Salo.
“While the enactment of the Salt Industry Development Act is a cause for celebration, our work is far from over. We must remain vigilant in monitoring its implementation to ensure that it delivers tangible benefits to our salt farmers,” dagdag niya.| ulat ni Kathleen Forbes