Ipinabatid ngayon ng Pasig River Ferry Service na magpapatupad sila ng half-day operations ngayong Miyerkules Santo.
Batay sa abiso, ito ay para bigyang daan ang paggunita ng Sambayanang Pilipino kaugnay ng mga Semana Santa.
Alas-11:30 mamaya ang huling biyahe ng Pasig River Ferry Service sa lahat ng istasyon nito.
Habang, suspendido naman ang operasyon ng Ferry Service ng Huwebes Santo, March 28 hanggang Sabado de Gloria, March 30.
Muli namang magbabalik ang operasyon nito sa Lunes ng susunod na linggo, April 1. | ulat ni Jaymark Dagala