Ibinahagi ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na aabot na sa 81.17% nang kumpleto ang itinatayo nitong pasilidad ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa Barangay Putatan, Muntinlupa City.
Ayon sa DPWH-Las Piñas-Muntinlupa District Engineering Office, layunin ng 807-square meter BJMP Building na mapabuti ang kalagayan ng mga persons deprived of liberty (PDL).
Sa panahong makumpleto ang sinasabing pasilidad, magbibigay daan ito para sa maayos na dormitoryo para sa mga PDL’s na may maayos na ventilation. Maliban dito, meron din kusina, laundry facilities, isolation rooms, infirmary rooms, at mga livelihood, recreational at multipurpose rooms sa nasabing proyektong ito ng DPWH. | ulat ni EJ Lazaro