Wala pa ring balak dumalo si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Leader Pastor Apollo Quiboloy sa pagdinig ng Senate Committee on Women tungkol sa mga alegasyon ng pang aabuso diumano ni Quiboloy sa mga miyembro ng KOJC.
Ito ang nilalaman ng sagot ng kampo ni Quiboloy sa Show Cause Order na inilabas ng Senado.
Naninindigan amg legal counsel ni Quiboloy na si Atty. Melanio balayan na pagkompromiso sa karapatan ng religious leader ang pagdalo nito sa pagdinig.
Ayon kay Balayan, naniniwala pa rin ang kanilang kampo na incrimininatory ang resolusyon kaya naman walang saysay na dumalo sa Senate inquiry.
Pasado alas otso ng umaga ngayong araw naisumite ng kampo ni Quiboloy ang tugon nito sa Show Cause Order ng Senate panel.
Pasok ito sa 48hours na ibinigay sa kanila na tumugon sa show cause order.
Sa ngayon, ayon kay Balayan ay hinihintay na lang nila ang magiging sagot ng Senado sa kanilang apela bago gumawa ng susunod na hakbang. | ulat ni Nimfa Asuncion