Nagkita sina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Cambodian Prime Minister Hun Manet sa sidelines ng ASEAN-Australia Special Summit sa Melbourne.
Sa kanilang bilateral meeting, nagkasundo kapwa sina Pangulong Marcos Jr. at Prime Minister Manet na paigtingin ang rice trade sa pagitan ng Pilipinas at Cambodia.
Kabilang din sa natalakay ng dalawang lider ang may kinalaman sa double taxation at mas pinagbubuting ‘ease of doing business’.
Pati ang pagpapalawak ng flight connections sa pagitan ng Pilipinas at Cambodia ay napag-usapan ng Pangulo at ng Punong Ministro na magsisilbing daan para sa mas magandang access sa mga destinasyon ng turismo.
Napag-usapan din ng dalawang lider ang pagpapalakas ng defense ties sa layuning matugunan ang mutual security concerns. | ulat ni Alvin Baltazar