Pasado alas-5 ng hapon (March 14), dumating sa Prague Castle si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa pagsisimula ng unang araw ng kaniyang pagbisita sa Czech Republic.
Pinangunahan ni Czech President PetrPavel ang arrival honors para sa Pangulo sa First Courtyard.
Susundan ito ng tete-a-tete kasama ng dalawang lider, kung saan inaasahang malalagdaan ang joint communique.
Una nang sinabi ng DFA na ang joint communique na ito ay para sa pagbuo o pagkakaroon ng labor consultation mechanism na sisiguro sa ligtas na migration ng Filipino workers, gayundin, upang maprotektahan ang mga OFW sa nasabing bansa.
Ayon kay Pangulong Marcos, bukod sa mga kasunduan na una nang binanggit ng DFA, mayroon pang mga kasunduan na nasa pipeline na at posibleng maisapinal sa pagbisitang ito.
Ilan pa sa mga aktibidad ni Pangulong Marcos ngayong araw (March 14), ang magkakasunod na pulong kasama ang mga lider ng Czech Parliamentary.
Kabilang na ang meeting kasama ang Senate President at Speaker ng Czech Republic na susundan ng pakikipagpulong ng Pangulo kay Prime Minister Petr Fiala.
Sabi ni Pangulong Marcos, ilan sa mga partikular niyang nais talakayin sa pagbisita dito sa Czech ay sa linya ng agrikultura, manufacturing, pagpapalawig ng economic cooperation ng dalawang bansa, pagsusulong ng trade and investment opportunity, maging ng global peace ang stability.
Present sa kaganapan si First Lady Liza Araneta – Marcos, at kapwa mga miyembro ng gabinete ng Czech at Pilipinas. | ulat ni Racquel Bayan