Hinikayat ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang Australia na maging ka-partner ng Pilipinas sa pagtataguyod ng clean energy at paglaban sa climate change.
Ang paghikayat ay ginawa ng Pangulo sa kaniyang intervention sa leaders’ plenary session sa ASEAN-Australia Special Summit kung saan ay ibinahagi din nito ang mga hakbanging ginagawa ng Pilipinas para mabawasan ang emission at ginagawang pamumuhunan sa renewable energy.
Inilarawan pa ng Pangulo na matapang ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan laban sa pagbabago ng klima at kaniya itong dinadala hanggang sa international fora.
Kaugnay nito, muling binuksan ng Pangulo sa kaniyang mgakapwa lider ang pagnanais niyang mag-host ng Board of the Loss and Damage Fund in the Philippines.
Pagpapakita aniya ito ng Pilipinas para magsilbing avenue upang mabigyan din ng boses ang mga pinaka-apektadong bansa ng climate change at makabuo ng pinakamahalagang patakaran sa pandaigdigang klima. | ulat ni Alvin Baltazar
📷: PCO