Inanyayahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga kumpanya sa Amerika na makilahok sa halos 200 high-impact priority infrastructure projects ng kaniyang administrasyon na nagkakahalaga ng $148 billion o katumbas ng P8 trilyon.
Ang alok na mag-invest ay ginawa ng Pangulo sa harap ng ginawang pagbisita ni US Secretary of Commerce Raimondo sa Malacañang.
Ayon sa Pangulo, malaking bentahe para sa mga investor na maglagak ng kanilang pamumuhunan gayung maganda ang lokasyon ng Pilipinas at nasa sentro ito ng Southeast Asia.
Bukod sa infrastructure projects, sinabi ng Pangulo na maaari ding maglagak ang American companies ng kanilang investment sa gitna ng pinalalakas na energy sector ng bansa at ginagawang metal exploration.
Kabilang din sa flagship projects na maaaring paglagakan ng puhunan dagdag ng Pangulo ay sa larangan ng physical connectivity, water resources, agriculture, health, digital connectivity o telecommunications. | ulat ni Alvin Baltazar