Nasa Melbourne, Australia na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., para sa kanyang partisipasyon sa ASEAN-Australia Special Summit.
Lumapag ang PAL Flight 001 sa Melbourne Airport, alas siyete kinse ng gabi, oras dito sa Melbourne (4:15 PM Philippine time).
Ang Melbourne trip ng Pangulo ay kaugnay din ng commemoration ng 50th anniversary ng ASEAN-Australia Relations at sa imbitasyon na din ni Australian Prime Minister Anthony Albanese.
Asahang magiging abala ang Pangulo sa kabi- kabilang mga aktibidad gaya ng Leaders Plenary at retreat kung saan ay inaasahang bibigyang diin ng Presidente ang ASEAN-Australia cooperation on maritime issues, climate and clean energy track, people-to-people exchange, and economic cooperation.
Hindi rin mawawala sa aktibidad ng Pangulo ang pakikipagkita sa Filipino community na magaganap bukas.| ulat ni Alvin Baltazar