Nagsasagawa na ng pagsisiyasat ng Philippine Coast Guard (PCG) sa kung paano nakapasok sa auxiliary force ng kanilang hanay ang mga Chinese Nationals na kulang sa clearance.
Sa pagdinig ng House Committee on Transportation ukol sa mga panukalang modernisasyon para sa PCG naungkait ni Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers ang isyu.
Aniya nais niyang malaman kung paanog may nakapasok na banyaga sa PCG na posibleng nag-ispiya pa sa ating bansa.
Tugon ni PCG Commandant Admiral Ronnie Gavan nagsagawa sila ng imbestigasyon at dumulog sa intelligence at national security agencies.
Dito napag-alaman na ilan sa mga ito ang hindi nakasunod sa itinatakdang security clearance.
Sa ngayon, 36 sa mga Chinese na ito ay delisted na bilang miyembro ng auxiliary force.
Sabi ni Galvan, isa sa kaniyang ipinatupad pag-upo bilang commandant noong Oktubre ng nakaraang taon ay ang pagre-require ng national security clearance sa mga banyaga na nais pumasok sa kanilang hanay.
Sa pagtaya naman ng opisyal, maaaring nasa dalawa hanggang tatlong taon na ang nakalipas ng makapasok ang naturang Chinese nationals.
Tiniyak din ni Gavan na nagpapatuloy ang imbestigasyon ng PCG lalo na sa kung sino sa ang nag-recruit sa 36 na Chinese at kung may sangkot na tauhan ng Coast Guard lalo’t maaaring naka-kompromiso ito sa seguridad ng ating bansa.| ulat ni Kathleen Forbes