Nakaalerto na ang Philippine Coast Guard (PCG) K9 Force ngayong Semana Santa.
Ito ay upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga pantalan ngayong inaasahan ang pagdagsa ng mga pasahero na uuwi sa mga probinsya at magbabakasyon.
Ayon sa PCG, mahigpit na iniinspeksyon ng mga explosive at narcotics detection dog ng ahensya ang mga bagahe at maleta ng mga pasahero.
Maliban sa mga pantalan, naka-deploy din ang mga Coast Guard working dog sa mga paliparan, at istasyon ng mga tren sa Metro Manila bilang pakikiisa sa Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa ng Department of Transportation (DOTr).
Samantala, batay sa datos ng PCG Command Center, simula kaninang alas-6 ng umaga hanggang alas-12 ng tanghali, pumalo na sa mahigit 40,000 ang inbound at outbound na mga pasahero sa lahat ng pantalan sa bansa.| ulat ni Diane Lear