Huli ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang 34-anyos na babae matapos magpanggap na ahente ng International Police (Interpol).
Ayon kay Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-Probes) Bienvenido Castillo III, tinangka ng human trafficking victims na lumabas ng bansa sa pamamagitan ng Air Asia patungong Bangkok, Thailand.
Ayon pa sa report nagpresenta ng dokumento ang biktima mula sa Protective Intelligence Anti-Crime Organization (PIAO) ng Interpol at dito nakasaad na maaring bumyahe ang biktkma sa labas ng bansa.
Pero sa kabila nito ay napansin ng BI officer na mali-mali ang mga pahayag nito kung saan agad naman itong umamin sa nangyari.
Paliwanag ng biktima inofferan siya ng P40,000 na buwanang sahod para magtrabaho bilang household service helper.
Kasalukuyam naman nai-turn over ang biktima sa Inter-Agency Council Against Human Trafficking para masampahan ng kaso ang mga recruiter nito.
Nanawagan naman si Immigration Norman Tansingco sa paggamit ng mga kakaibang istorya para makalusot sa Immigration kung saan sinabi nito na well – trained ang kanilang mga tauhan hinggil dito. | ulat ni Lorenz Tanjoco