Agarang ihahanda ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) ang business agreement ng Foreign Direct Investments (FDI) na nakuha ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa bansang Australia.
Ayon kay PEZA Director General Tereso Panga, nasa 12 business agreement ang nakuha ng Pilipinas mula sa sektor ng renewable energy (RE), waste-to-energy technology, countryside housing development, data center establishment, at health technology solutions manufacturing and digital health solutions.
Inaasahan naman na isa sa isusulong ng PEZA ang tinaguriang blue ecozones, dahil sa mga nakuhang pamumuhunan ng ating bansa sa ilang pagpasok ng aquaculture business kung saan isa ang Pilipinas sa may pinakamaraming yamang dagat sa bayan.
Sa kasalukuyan, nasa 130 Australian Companies na ang namumuhunan sa Pilipinas kung saan nakapagtala na ng nasa 55,000 trabaho sa mga Pilipino. | ulat ni AJ Ignacio