Umabot na sa sa P14.95 bilyon ang naitala ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na pumasok na pamumuhunan sa bansa sa unang bahagi ng 2024.
Ayon kay PEZA Director General Tereso O. Panga na mas mataas ito ng 19.25% sa kaparehong bahagi ng 2023.
Dagdag pa ni Panga na nasa 50 bagong expansion projects ang naitala ng PEZA mula sa sektor ng IT-Business Process Management logistics, facilities, domestic markets at eco zone development na nagkakahalaga ng nasa $616.59 milyng dolyar.
Sa naturang halaga ng pamumuhunan, umabot naman sa mahigit 11,500 na trabaho ang nalikha ng mga naturang investment.
Sa huli, positibo naman ang PEZA na maaabot nito ang target na pamumuhunan ngayong taon dahil ‘on track’ ito sa pagkalap ng pamumuhunan at pagtulong sa mga investor na magtayo ng negosyo sa Pilipinas. | ulat ni AJ Ignacio