Nakipagpulong ang Philippine Economic Zone Authority (PEZA) sa Australian Business Communities upang mas makapanghikayat pa ng mas maraming mamumuhunan sa ating bansa.
Sa kanyang naging talumpati sa business community, sinabi ni PEZA Director General Tereso Panga ang mga ginagawang pamamaraan ng Pilipinas para sa mabilis na pagpasok ng mga pamumuhunan sa bansa, at ibinahagi rin nito ang polisiyang mas magpapabilis sa pagpasok ng mga foreign investor sa bansa.
Isa na nga rito ay ang pagpapalakas ng one stop shop ng PEZA, mula sa pagkakaroon ng business agreement hangang sa pagpapatayo ng kanilang mga negosyo sa bansa ay nakaalalay ang ahensya.
Sa huli, hinikyat ni DG Panga ang mga Australian investor na mag-invest sa Pilipinas, at nangako ito na kanilang aalalayan ang mga banyagang mamumuhunan sa Pilipinas hangang sa kanilang pagbubukas ng negosyo sa bansa. | ulat ni AJ Ignacio