Nagsagawa ngayong araw ng Simultaneous Health and Wellness Fair ang Philippine Army, bilang bahagi ng “Exercise Katihan”.
Ang aktibidad, na layong isulong ang malusog na pamumuhay sa mga tauhan ng Philippine Army, ay bahagi ng pagdiriwang ng Hukbong Katihan ng kanilang ika-127 anibersaryo sa Marso 22.
Pinangunahan ni Philippine Army Chief Lt. General Roy Galido ang aktibidad sa Philippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio, Taguig, na sabayang nilahukan ng Army personnel sa iba’t ibang Army Medical Treatment Facilities sa buong bansa.
Kabilang sa mga aktibidad ang health education and awareness, screening at assesment, at pagkakaloob ng serbisyong pangkalusugan sa mga sundalo at sibilyan.
Tampok dito ang blood donation activity ngayong umaga, at healthy lifestyle talk mamayang hapon. | ulat ni Leo Sarne