Pinasalamatan ni Philippine Cancer Center Director Alfonso Nunez III si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., House Speaker Martin Romualdez, Appropriations Chair Elizaldy Co at iba pang opisyal ng pamahalaan sa kanilang suporta na maitayo ang world-class cancer treatment sa Pilipinas.
Sa isinagawang groundbreaking ceremony sa 20-story Cancer Center building sa Quezon City nagpasalamat si Nunez sa pagsisikap ng Marcos Jr. administration na iprioridad ang pangangalaga sa kalusugan.
Kinilala din nito ang naging kontribusyon ni speaker Romualdez at Chair Co at iba pang miembro ng Kamara para mapondohan konstruksyon ng cancer facility.
Naniniwala ang opisyal na sa pagtutulungan ng lahat ay maipagkakaloob sa mga Filipino cancer patient ang suporta at pangangalaga na nararapat.
Ang cancer center ang kokompleto sa medical center na itinayo ng pamamahalang Marcos kung saan magkakalapit ang mga specialty hospitals.
Haya ng National Kidney and Transplant Institute, the Philippine Heart Center, the Lung Center, at Philippine Children’s Medical Center. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes