Ilalagay ng Philippine Coast Guard sa heightened alert ang kanilang buong hanay simula March 24, araw ng Sabado.
Bahagi ito ng Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa 2024 ng Department of Transportation na layong masigurong walang maitatalang insidente sa mga biyahero.
Sinabi ni PCG Spokesperson Rear Admiral Armando Balilo, layunin ng pagtataas ng alerto ay para masigurong maayos ang operasyon sa lahat ng pantalan at kaligtasan ng mga bibiyahe.
Tatagal ang heightened alert ng PCG hanggang Marso 31 o Araw ng Pagkabuhay.
Prayoridad ng PCG na i-monitor ang nautical highways o ruta ng mga barko sa western at eastern seaboards ng bansa kasama ang inter-island.
Kabilang sa mga babantayan ang mga malalaking pantalan tulad ng Batangas, Occidental at Oriental Mindoro, Aklan, Iloilo, at Zamboanga Region.
Ang eastern seaboard naman ay ang Manila, Bicol region, Samar, Leyte, at Surigao provinces. | ulat ni Michael Rogas