Naglabas ang Philippine Red Cross (PRC) ng mga paalala at fire safety tips upang makaiwas sa sunog ngayong Fire Prevention Month.
Ayon kay PRC Chairperson at CEO Richard Gordon, hinihikayat ang lahat ng pamilya na sundin ang 4Ps o ang Predict, Plan, Prepare, Practice dahil ang kaligtasan sa sunog ay nagsisimula sa tahanan. Lalo pa aniya at mataas ang tiyansa ng sunog sa panahon ng tag-init.
Batay sa datos ng PRC, umabot sa 279 na fire emergencies ang kanilang nirespondehan noong 2023 na mas mataas ng 16% kumpara noong 2022.
Tiniyak naman ng PRC, na nakahanda ang kanilang mga asset at volunteer upang tumugon sa pangangailangan ng mga biktima ng sunog gaya ng pagde-deploy ng ambulansya, food truck, welfare teams, pagbibigay ng atensyong medikal, at psychosocial support.
Nagpahayag din ng buong suporta ang PRC sa mga programa ng Bureau of Fore Protection upang maiangat ang kamalayan ng publiko kontra sa sunog. | ulat ni Diane Lear