PhilSys, binuksan na ang Philsys registration sa mga batang may edad 1-4 taong gulang

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinapayagan na ng Philippine Statistics Authority (PSA) na mairehistro sa Philippine Identification System (PhilSys) ang mga batang may edad isa hanggang apat na taong gulang.

Ang hakbang na ito ng PSA ay bahagi ng patuloy na pagsisikap na irehistro ang mas maraming Pilipino sa PhilSys, kabilang ang mga menor de edad.

Hinihikayat ni PSA Undersecretary Claire Dennis Mapa, National Statistician and Civil Registrar General, ang mga magulang na iparehistro na ang kanilang mga anak.

Para mairehistro ang bata, kailangang present ang magulang o guardian na rehistrado na ng PhilSys.

Ang magiging PhilSys Number o permanent identification number ng bata ay iuugnay sa kasamang magulang o guardian.

Kailangan ding isumite ang mga supporting documents upang ma-validate ang demographic information ng bata,tulad ng Certificate of Live Birth, at Report of Birth na inisyu ng PSA o Philippine Foreign Service Post at iba pa.

Hanggang Marso 1,2024, kabuuang 84,738,963 Pilipino ang nakapagrehistro na sa PhilSys.| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us