Nanawagan sa publiko ang Philippine Institute and Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) na makilahok sa First Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill sa Lunes, Marso 25, 2024.
Layunin nito na magbigay ng karagdagan pang kaalaman at kahandaan para sa mga dapat gawin bago, habang, at matapos maganap ang lindol.
Ganap na alas-9 ng umaga magsisimula ang sabayang earthquake drill na pangungunahan ng National Disaster Risk Reduction and Management Council sa pamamagitan ng Office of Civil Defense .
Inaasahang lalahukan din ito ng mga LGU, iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, mga pampublikong paaralan at mamamayan.
Sa panahon ng drill, hinihikayat ang publiko na gawin ang “duck, cover, and hold’ position pagka-tunog ng malakas na sirena.
May pitong components ang earthquake drill na dapat tandaan, ito ay ang Alarm, Response, Evacuation, Assembly, Head Count o Roll Call, Assess and Address Effects at Evaluation. | ulat ni Rey Ferrer