Wala kahit isang pagkakataong nagsalita o gumawa ng ano mang aksyon ang Pilipinas, upang mag-udyok ng gulo o ‘di pagkakaunawaan sa South China Sea (SCS).
Reaksyon ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa pahayag ni Chinese Foreign Ministry Spokesperson Wang Wenbin na dapat nang tigilan ng Pilipinas ang paggamit sa usapin sa South China Sea, upang lituhin ang international community.
Sa panayam sa Pangulo, sinabi nitong abala ang pamahalaan sa pagpapatakbo ng bansa at pagbibigay ng magandang buhay sa mga Pilipino.
“Well, I don’t know of any instance where the Philippines has instigated anything, at any point, both verbally, or militarily, or diplomatically. We were busy, we are busy, we have been busy in running the country and making the best life of Filipinos.” -Pangulong Marcos.
Pagbibigay diin ng Pangulo, hindi ang Pilipinas ang nagsimula ng mga problema sa South China Sea.
“We did not begin all of these problems. All of these commotions were not caused by the Philippines. So, I don’t know what they are referring to.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan