Pilipinas, mananatiling reliable partner ng Czech para sa Indo-Pacific Strategy nito; Pangulong Marcos Jr., nanawagan ng suporta sa pagpapanumbalik ng PH-EU Free Trade Agreement

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang commitment ng Pilipinas na maging reliable partner ng Czech Republic sa pagpapatupad nito ng Indo-Pacific Strategy.

Sa business forum sa Czernin Palace ngayong araw (March 15), sinabi ng Pangulo na kung magtutulungan ang dalawang bansa maaabot nito ang kapwa mithiin, economic growth, at patuloy na development sa rehiyon.

Kaugnay nito, nanawagan rin ng suporta ang Pangulo mula sa Czech para sa pagpapanumbalik ng Philippine-EU Free Trade Agreement (FTA) negotiations. 

Ayon sa Pangulo, ang mga negosasyon kasi na ito ay malaking hakbang sa pagpapalawak pa ng trade relations ng dalawang bansa.

“We believe that the resumption of these negotiations will be a big step in furthering our trade relations, with the end view to establish a stable, predictable, and enabling business environment that promotes inclusive and sustainable growth and development.” —Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us