Kinilala ng US Senators ang kontribusyon ng mga Pilipino sa kanilang bansa, lalo na sa linya ng healthcare, armed services, at teknolohiya.
Sa courtesy call ng US Congressional delegation kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa Malacañang ngayong hapon (March 26), sinabi ni US Senator Kirsten Gillibrand na naniniwala sila na nasa panahon ang US at Pilipinas kung saan maraming magagandang oportunidad ang maaaring mabuksan, lalo na sa linya ng ekonomiya.
Kabilang rin ang aniya ang pagpapayabong pa ng kooperasyon sa linya ng enerhiya, rare minerals, at sa larangan ng komersyo.
“We do believe that we are in the moment of extraordinary opportunity, especially for economic ties, to build upon existing strengths, whether they are in the fields of energy or in the fields of rare earth minerals or in the fields of commerce. These are important alliances for us, and we want to continue to grow.” -Senator Gilibrand.
Sa panig naman ni Pangulong Marcos, nagpasalamat ito sa effort ng US Congressional delegation na tumungo sa Pilipinas, kahit aniya sa gitna ng pabago-bagong political cycle sa Estados Unidos.
“It is particularly important I suppose I can say since we have come in the middle of your rather topsy turvy political cycle going on right now.” -Pangulong Marcos.
Kabilang sa mga usaping binuksan ni Pangulong Marcos sa harap ng US delegation ay ang mga geopolitical complications na hinaharap ngayon ng bansa, kung saan nakakuha naman ng suporta ang Pangulo, mula sa US Senator.
“I am happy, very happy to welcome all of you to the Philippines and I hope that the time that you will spend here will be a productive time where we are able to discuss further the situation concerning the Philippines and the geopolitical complications that we are facing presently.” – Pangulong Marcos.
Ayon kay Senator Gilibrand, maging sila ay nababahala sa agresyon ng China sa rehiyon.| ulat ni Racquel Bayan