Mananatili ang paninindigan ng Pilipinas at pagtayo nito sa pagprotekta ng ating teritoryo at paggalang sa rule of law sa rehiyon.
Ito ang tiniyak ni Speaker Martin Romualdez kasabay na paghahayag ng pagkabahala sa presensya ng Chinese research vessel sa Philippine Rise o Benham Rise.
“The Philippine government remains steadfast in its duty to protect our sovereignty and preserve our national interest. We will work closely with relevant agencies to address this issue effectively and assert our rights within the bounds of international law,” sabi ni Romualdez.
Ayon sa House leader, hindi papayag ang pamahalaan sa ano mang hindi otorisasdong aktibidad ng dayuhang sasakyan sa loob ng ating exclusive economic zones.
“The Philippines will not back down or yield an inch of its territory. We will continue to assert our rights over the Philippine Rise and any other maritime areas that belong to us under international law,” giit niya.
Sabi ng Speaker, ang Philippine Rise ay isang mahalagang bahagi ng ating teritoryo at ang panghihimasok dito ng foreign vessels ay banta sa ating soberanya.
Tinukoy pa nito, na sagana sa marine biodiversity ang Benham Rise at may malaking potensyal para sa scientific research maliban pa sa ambag sa ating ekonomiya.
Kaya naman mahalaga na ito ay protektahan para sa benepisyo ng mga Pilipino.
“The Philippines will not compromise its territorial integrity or allow any encroachment upon its sovereign rights. Philippine Rise is unquestionably within our EZZ, and we will assert our authority to safeguard our maritime domain,” diin pa ng House leader.
Muli ring nanawagan si Romualdez sa lahat ng bansa na tumalima sa international laws at protocols.
“We call on all nations to respect the rights of coastal states, uphold the principles of international law, and refrain from any activities that undermine regional stability and maritime security,” sabi pa ni Romualdez | ulat ni Kathleen Forbes