Pinag-aagawang Makati Park and Garden, pansamantalang ipinasara ng lungsod ng Taguig

Facebook
Twitter
LinkedIn

Iniutos ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang pansamantalang pagsasara ng pinag-aagawang Makati Garden and Park dahil sa sinasabing kakulangan nito sa permits mula sa Taguig City Hall.

Ayon sa pahayag ng Taguig City, ang aksyong ginawa nito ay alinsunod sa kapangyarihan ng LGU sa ilalim ng Local Government Code, mga desisyon ng Korte Suprema, at mga lokal na ordinansa na nagbibigay awtoridad upang isagawa nito ang nasabing pansamantalang pagsasara ng parke na walang mga permit mula sa kanilang lungsod.

Dagdag pa ng Taguig LGU, ginawa lamang na garahe ng mga heavy equipment at tambakan ang naturang parke ng Makati na noon pa man ay isinara na umano nito sa publiko.

Binigyang diin din ng Taguig na ang parke ay sakop ng kanilang hurisdiksyon at sinasabing may karapatan sa paghawak at pamamahala ng parke.

Sa ngayon, nananatiling payapa ang sitwasyon sa paligid ng Makati Park and Garden kung saan kagabi isang prayer vigil ang isinagawa ng ilang pro-Makati supporters na may panawagang plebesito para sa pagbabalik ng mga EMBO barangay sa Makati City.| ulat ni EJ Lazaro

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us