Upang mahikayat ang mga residenteng na makiisa sa paglilinis ng kapaligiran, inilunsad sa isang barangay sa Quezon City ang Plastic-To-Fish Program kung saan libreng isda ang matatanggap kapalit ng basurang plastic.
Sa ilalim ng programang pinangunahan nina Kagawad Dr. Peter Dumang at Kagawad Enay Gonzalvo ng Barangay. Sto. Niño, ang bawat residenteng may bitbit na mga plastic waste materials ay makatatanggap ng tig-isang kilo ng isda gaya ng galunggong.
Sa unang paglarga ng programa, sako-sakong basura ang agad na binitbit ng mga residente kabilang ang mga plastic bottles.
Nakaangkla ito sa layunin ng pamahalaang lungsod na makatulong hindi lamang sa kapaligiran kundi pati na rin sa pagtugon sa pangangailangan sa pagkain ng ibang residente.
Ang mga nakolekta namang plastic na basura ay siyang ibebenta sa mga junk shops o sa trash to cash program ng Quezon City LGU at ang pondo rito ay siyang ipambibili ng isda para sa susunod na mga benepisyaryo ng programa. | ulat ni Merry Ann Bastasa
#RP1News
#BagongPilipinas
📸: Councilor Egay Yap