Nagpaabot ng pakikiisa ang Philippine National Police (PNP) sa Muslim community kaalinsabay ng pagsisimula ng banal na buwan ng Ramadan.
Sa pulong balitaan sa Kampo Crame kaninang umaga, sinabi ni PNP Public Information Office Chief, P/Col. Jean Fajardo na may mga karagdagan silang tauhan na ipakakalat sa mga mosque at masjid upang magbigay seguridad.
Layon nito na mapanatiling maayos at mapayapa ang paggunita sa buong buwan ng Ramadan ng mga kapatid na Muslim.
Sinabi pa ni Fajardo na dahil may mga pulis din na Muslim, may mga nakalaan sa kanilang lugar sa mga kampo at himpilan ng pulisya kung saan sila maaaring manalangin.
Sakaling maliit naman ang lugar ng kanilang istasyon, sinabi ni Fajardo na binibigyan din sila ng mga espasyo at sapat na oras para makapag-alay ng panalangin. | ulat ni Jaymark Dagala