Ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang heightened alert status simula sa Araw ng Palaspas sa darating na Linggo.
Ayon kay PNP Public Information Office Chief Police Colonel Jean Fajardo, awtomatikong ipinatutupad ito tuwing Semana Santa sa lahat ng himpilan ng Pulisya sa buong bansa.
Pero nasa diskresyon aniya ng mga Police Regional Director kung itataas pa ito sa Full Alert Status depende sa sitwasyong panseguridad sa kanilang nasasakupan.
Sa ngayon aniya ay wala pa namang na-monitor na banta sa seguridad ang PNP para sa Semana Santa.
Gayunpaman, hindi pa rin aniya nagpapakakampante ang PNP at mas pinaigting ang koordinasyon sa kanilang mga katuwang sa Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine Coast Guard (PCG).
Ayon kay Col. Fajardo, 34,000 pulis ang kanilang ide-deploy sa mga tourist destinations, transport hubs, at areas of convergence, kabilang ang mga simbahan ngayong Semana Santa para mapangalagaan ang seguridad ng publiko. | ulat ni Leo Sarne