Ngayong araw ilulunsad ng Philippine National Police (PNP) ang kanilang mga aktibidad bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng National Women’s Month.
Pangungunahan ni PNP Chief Police General Benjamin Acorda Jr. ang kick-off Ceremony ngayong umaga kasabay ng flag-raising ceremony sa Camp Crame.
Ayon kay PNP Women and Children Protection Center director Police Brigadier General Portia Manalad, ang Directorate for Police Community Relations (DPCR) ay naghanda ng iba’t ibang aktibidad para mabigyang pansin ang kahalagahan ng pagtataguyod ng karapatan at kaligtasan ng kababaihan.
Tampok aniya dito ang pinalawak na awareness campaign laban sa lahat ng uri ng pang aabuso sa mga kababaihan.
Bukod dito, tutukan din aniya ng mga pulis ang pagsisilbi ng mga warrant of arrest sa mga kriminal na may kinakaharap na kasong pang aabuso sa kababaihan.
Makikilahok aniya dito ang lahat ng himpilan ng pulisya sa ibat ibang panig ng bansa. | ulat ni Leo Sarne