Power supply sa paliparaan, siniguro ng pamahalaan sa harap ng inaasahang dagsa ng mga biyahero sa Semana Santa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Siniguro ng Manila International Airport Authority (MIAA) na walang mararanasang aberya sa supply ng kuryente sa mga paliparan, sa harap ng inaasahang pagdagsa ng mga biyahero sa Semana Santa.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi nin MIAA Spokesperson Atty. Chris Bendijo na ang pagpapatuloy ng operasyon sa NAIA ang prayoridad ng kanilang hanay.

“One of the first priorities ng ating GM ‘no, is to ensure itong continuity ng operations.” -Atty. Bendijo.

Nitong mga nakaraang buwan aniya, nagsagawa na sila ng inspeksyon at preventive maintenance schedules kung saan sinusuring maigi ang power lines at switches.

“Halimbawa na lang po itong ating Terminal 3, dalawa po ang ating possible sources of electricity diyan, coming from Pasay and from Parañaque. So kung mag-down man po iyong isa, mayroon pa po tayong isang source of electricity.” -Atty. Bendijo

Ayon sa opisyal, sakaling mangyari pa rin na mag-down ang mga mapagkukunan ng source of electricity maaasahan ang kanilang generator sets, lalo’t una na itong sumailalim sa pagsusuri at mini-mintine rin ng kanilang hanay.

“Now in the unlikely event na mag-down po pareho, we’ve also examined and maintained our generator sets to make sure that the basic operations of the airport will continue.” -Atty. Bendijo. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us