Nagpahayag ng pagkabahala ang Pransya sa huling insidente sa WPS sa pagitan ng Chinese Coast Guard at mga barko ng Pilipinas.
Ang pahayag ay inilabas ng French Embassy sa Manila kasunod ng ginawang pagbangga at pagbomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard kahapon sa mga barko ng Pilipinas na nagsasagawa ng Rotation and Resupply Mission sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Dito’y nanawagan ang Pransya na respetuhin ang United Nations Convention on Law of the Seas (UNCLOS), partikular ang Freedom of Navigation.
Nagpahayag ng pagtutol ang Pransya sa anumang pagbabanta o paggamit ng karahasan na labag sa international law.
Binigyang diin ng Pransya ang kanilang commitment sa pagresolba ng mga hindi pagkakaunawaan sa pamamagitan ng diyalogo. | ulat ni Leo Sarne
📷: AFP