Nakikiisa ang Philippine Red Cross (PRC) sa pagdiriwang ng Women’s Month na may temang “Invest in Women: Accelerate Progress” ng United Nations.
Layon nitong kilalanin ang lahat ng mga kababaihan sa PRC na tumulong na matugunan ang gender gap at gender equality para sa lahat.
Ayon sa PRC, malaking bahagi ng mga tauhan ng organisasyon ay binubuo ng mga kababaihan gaya sa volunteers, staff, lider ng emergency at disaster response, ambulance teams, at health services.
Sinabi ni PRC Secretary Dr. Gwen Pang, na ang mga kababaihan ay tumutulong na mapatatag ang pamilya sa gitna ng kalamidad at armed conflict.
Aniya, patuloy silang magbibigay ng tulong para sa mga kababaihan, kabataan, nanay, at LGBTQ community.
Nagpasalamat naman si PRC Chairperson at CEO Richard Gordon sa lahat ng kababaihan ng PRC na tumulong na maging matagumpay ang bawat proyekto o aktibidad ng organisasyon. | ulat ni Diane Lear