Wala nang bago sa statement ni Chinese President Xi Jinping kung saan pinapayuhan nito ang Armed Forces na maghanda para sa military conflict at pagprotekta sa maritime rights ng kanilang bansa.
“Although he did not, President Xi Jinping did not state that outright until now, that really has really been the policy since I think years already, for the last two or three years,” ani Pangulong Marcos.
Sa naging panayam kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos ang matagumpay na Working Visit sa Germany, sinabi nito na matagal naman na itong ginagawa ng China, kasabay ng pagbibigay diin sa kanilang 10-dash line claim.
Ang pamahalaan, aniya, ay patuloy lamang na dedepensahan ang teritoryo nito, lalo’t kinikilala rin naman ng international commmunity ang maritime territory ng Pilipinas.
Sa harap na rin ito ng posibleng mas maraming pang pangha-harass ng China sa mga vessel ng Pilipinas.
“I’m not surprised but we will have to continue to do what we can to defend our maritime territory in the face of perhaps of a more active attempt by the Chinese to annex some of our territory,” pahayag ng Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan