Nanawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Pinoy sa Australia na bisitahin naman ang bansang sinilangan at tingnan ang Pilipinas sa harap ng Bagong Pilipinas campaign ng kanyang administrasyon.
Ayon sa Pangulo, on track ang kanyang administrasyon para maabot ang agenda hinggil sa social at economic transformation.
Hindi aniya dapat malimutan ang kasabihang “home is where the heart is…” habang importante din aniyang maturuan ang mga nakababatang henerasyon tungkol sa ating mga bayani at maipakita ang magagandang tourist spot sa Pilipinas.
Mahalaga aniyang pangalagaan ang Filipino identity dahil sa ganitong paraan mananatiling konektado ang bawat Pinoy saan mang lupalop ng mundo.
Nagsisilbing pangalawang tahanan ang Australia sa may 400,000 mga Pinoy. | ulat ni Alvin Baltazar
#RP1News
#BagongPilipinas