Deklaradong non-working day sa lalawigan ng Cavite sa darating na March 22 ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Kaugnay ito ng pagdiriwang ng anibersaryo ng kapanganakan ni General Emilio Aguinaldo na kauna-unahang Pangulo ng Republika ng Pilipinas.
Ang deklarasyon ay ginawa ng Pangulo sa pamamagitan ng pag- iisyu ng Proclamation No. 492, na dito ay isinasaad ang pagbibigay pagkakataon para sa mga Cavitenio na makiisa sa nasabing pagdiriwang.
March 22, 1869, isinilang si Aguinaldo sa Kawit, Cavite.
Sa kabilang dakoy, special non-working day din sa Baliwag, lalawigan ng Bulacan sa March 22 para naman sa birth anniversary ng propagandista at manunulat na si Mariano Ponce. | ulat ni Alvin Baltazar