Iginiit ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na interes ng Pilipinas ang nagsisilbing sukatan para tindigang matatag ang independent foreign policy ng kanyang administrasyon.
Sa pagsalang ng Pangulo sa question and answer kasunod ng kanyang keynote speech sa Lowy Institute sa Melbourne, binigyang-diin nitong hindi impluwensiya o sulsol ng alinmang bansa gaya ng Amerika ang tinitindigang polisiya ng pamahalaan lalo na sa usapin ng West Philippines Sea.
Sinabi ng Pangulo na sariling policy decision ng Pilipinas kung anoman ang nagiging paninindigan nito sa usapin at umaakto alang-alang sa proteksiyon ng national interest.
Hindi na aniya applicable sa panahon ngayon ang konsepto ng aniya’y lumang bipolar cold war formula na kung saan, ang maliit na bansa gaya ng Pilipinas, ay nasa anino o identified sa malalaking bansa gaya ng U.S. at Soviet Union, at sa kasalukuyang panahon…sa China.
Dagdag ng Pangulo na ang foreign policy ng Pilipinas ay naka-ankla sa tuloy-tuloy na pagkamit sa kapayapaan at interes ng bayan. | ulat ni Alvin Baltazar
#RP1News
#BagongPilipinas