Ibinida ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang nakikitang pagganda ng ekonomiya ng bansa sa harap ng mga Pinoy sa Australia.
Sa Filipino Community event na pinangunahan ni Pangulong Marcos, sinabi ng Chief Executive na ang pag-angat ng ekonomiya ng Pilipinas ay bunsod ng magandang paglago nito, positibong forecasts, mataas na naitala sa employment, turismo, at manufacturing.
Malaki aniya ang naiambag dito ng mga OFW na dahil sa kanilang remittances ay nakatulong hindi lamang sa kanilang pamilya, komunidad, kundi pati na sa ekonomiya.
At bilang sukli sa ambag ng mga OFW, tiniyak ng Pangulo na gagawin ng kanyang administrasyon ang commitment nito.
Ito ay ang mapaunlad ang buhay at pangkabuhayan ng bawat Filipino, saan man sila naroroon. | ulat ni Alvin Baltazar
#RP1News
#BagongPilipinas