Most interesting, pinakamaimpluwensiya, at aabangang lider sa Southeast Asia.
Ganito inilarawan ni Lowy Institute Executive Director Dr. Michael Fullilove si Pangulong Ferdinanf R.
Marcos Jr.
Ayon kay Fullilove, krusyal o mahalaga ang papel ni Pangulong Marcos bilang regional leader sa ASEAN o ang Association of Southeast Asian Nations.
Kung titingnan ani Fullilove ang Pilipinas kung gaano ito karubdob para depensahan ang kanyang soberenya, ito ay makikita sa nakalipas na 18 buwan o magmula nang pumasok ang liderato ni Pangulong Marcos Jr.
Pinalakpakan ang Pangulo sa kanyang talumpati sa Lowy Institute kahapon na dito ay muling tinindigan ng Chief Executive ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea. | ulat ni Alvin Baltazar
#RP1News
#BagongPilipinas