Nagtalaga ng mga bagong manunungkulan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mahigit 10 tanggapan ng pamahalaan.
Sa Department of Agriculture (DA) ay nagtalaga ng dalawang bagong Undersecretary sa katauhan ni Christopher Morales at Cheryl Marie Natividad-Caballero habang itinalaga naman bilang Assistant Secretary sa Kagawaran si Constante de Palabrica.
Sa Office of the President ay itinalaga bilang Assistant Secretary si Felix Castro.
Itinalaga din bilang Undersecretary sa Department of Finance (DOF) si Joven Balbosa at isang Assistant Secretary sa katauhan ni Gerald Alan Quebral.
Bukod sa mga nabanggit ay nagtalaga din ang Pangulo ng mga bagong appointee sa Department of Information and Communications Technology (DTI) at Departmemt of Transportation (DOTr), gayundin sa Department of Agrarian Reform (DAR).
May mga bagong appointee rin sa Commission on the Filipino Language, National Youth Commission, Philippine Postal Corporation, at State Universities and Colleges. | ulat ni Alvin Baltazar