Eksakto 12:43 ng madaling araw (5:43pm – Prague time), lumapag sa Vaclav Havel International Airport ang PR 001 o ang eroplanong sinasakyan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para sa dalawang araw na State Visit sa Prague, Czech Republic.
Tinatayang tumagal ng 31 minuto ang biyahe ng Pangulo mula nang mag-take off ang PR 001, pasado alas-12 ng madaling araw, mula sa Berlin Brandenburg International Airport, sa Germany.
Bukas, agad na sasabak sa magkakasunod na aktibidad si Pangulong Marcos, kabilang ang pakikipagpulong sa matataas na opisyal ng Prague.
Kabilang na ang pulong kasama si Czech Republic President Petr Pavel.
Makakapulong rin ng Pangulo ang tatlong constitutional heads of government ng Czech Republic.
Kabilang na si Prime Minister Petr Fiala, Senate President Miloš Vystrčil, at Speaker of the Chamber of Deputies Markéta Pekarová Adamová.
Inaasahang malalagdaan sa pagbisitang ito ang Joint Communiqué para sa pagtatatag ng labor consultation mechanisms, na layong i-angat ang kooperasyon ng Pilipinas at Czech Republic para sa ligtas at angkop na migration ng Filipino workers. | ulat ni Racquel Bayan