Pres. Marcos Jr, tiniyak na iiral ang patas na eleksyon sa susunod na taon sa BARMM

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiniyak ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang patas na eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na nakatakda sa susunod na taon.

Ito ay alinsunod na din sa itinatakda ng Bangsamoro Autonomy Act Nos. 41 to 48.

Sa mensahe ng Pangulo, sinabi nitong matibay ang kanyang commitment para sa BARMM na noon pa mang siya’y bahagi pa ng lehislatura ay aktibo na siyang nagkaroon ng partisipasyon sa pagbalangkas ng Bangsamoro Basic Law.

At ngayong siya na ang Pangulo ng bansa, marami na aniyang nakamit na progreso subalit marami pa ang dapat na maisakatuparan.

At sa napipintong pagsasagawa ng halalan sa BARMM kung saan ay makakapamili ang mga residente ng kanilang iluluklok sa local at national level, inihayag ng Chief Executive na nasa kanilang kapangyarihan para magtakda ng maunlad na hinaharap. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us