Nagpahayag ng suporta sa Pilipinas si Marshall Islands President Hilda C. Heine kasunod ng panibagong panggugulo sa barko ng Bansa sa West Philippine Sea.
Si President Heine ay nag-courtesy call kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na dito ay hinikayat niya ang Chief Executive na idulog na din ang hindi matapos-tapos na usapin sa Pacific Islands Forum (PIF).
Ayon kay Heine, ang kasalukuyang aksyon ng China ay isang concern hindi lamang sa ilang bansa gaya ng Pilipinas kundi pati na sa buong rehiyon.
Tiniyak ng Presidente ng Marshall Island na aalalay sila sa Pilipinas hinggil sa anumang desisyon na gagawin nito hinggil sa PIF bukod pa sa suportang maaari nilang ibigay sa bansa.
Nagpasalamat naman si Pangulong Marcos kay Pangulong Heine para sa pagsuporta sa paninindigan ng Pilipinas sa West Philippine Sea. | ulat ni Alvin Baltazar