Nagsimula nang bumaba ang presyo ng sibuyas, tilapia, at iba pang piling agricultural products noong Pebrero, batay sa ulat mula sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ayon sa Department of Agriculture (DA), may pagbaba ng P25.26 sa presyo ng pulang sibuyas sa average value nito kada kilo mula Enero hanggang Pebrero.
Bumagsak din mula P174.91 kada kilo hanggang P163.11 kada kilo ang retail price nito mula sa first phase hanggang sa second phase ng Pebrero, na nagpapakita ng P11.8 na kabawasan.
Samantala, may pagbaba din sa presyo ng tilapia mula P169.02 sa P167.62 kada kilo noong nakalipas na buwan. Mas mababa ang average price nito noong Pebrero kumpara sa presyo noong Enero, na nasa P168.52 kada kilo.
May pagbaba din sa presyo ng brown sugar, ang mga gulay tulad ng talong.
Pagtiyak naman ni Assistant Secretary at Spokesperson Arnel de Mesa na patuloy na binabantayan ng DA ang paggalaw ng mga presyo sa mga pamilihan. | ulat ni Rey Ferrer