Nananatiling matumal ang bentahan ng karne ng baboy sa Kalentong Public Market sa Mandaluyong City.
Ito’y kahit pa mas mababa na ang presyuhan nito kumpara sa iba pang mga palengke sa Eastern part ng Metro Manila.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, naglalaro sa ₱310 hanggang ₱330 ang presyo ng kada kilo ng kasim, habang nasa ₱340 hanggang ₱380 naman ang presyo ng kada kilo ng liempo.
Ayon sa ilang mga nagtitinda, maging sila ay nagtataka dahil mababa naman ang farm gate price ng baboy subalit doble o triple na ang presyo nito pagdating sa mga palengke.
Samantala, ang presyuhan naman ng manok ay naglalaro sa ₱210 ang kada kilo sa whole chicken habang mas mahal naman ang choice cut na nasa ₱280 ang kada kilo. | ulat ni Jaymark Dagala