Walang gaanung paggalaw sa presyo ng mga ibinebentang gulay sa Mega Q-Mart, Quezon City.
Sa pwesto ni Mang Jayson, nananatiling abot kaya ang presyo ng mga pangsahog na pulang sibuyas na nasa ₱60 ang kada kilo at puting sibuyas na ₱50 ang kada kilo.
Mura rin ang kamatis na marami ang suplay ngayon sa Mega Q-Mart, mabibili ito sa ₱30 hanggang ₱45 depende sa sukat.
Mura rin ang mga pangrekado sa nilaga gaya ng Repolyo na ₱35 kada kilo, Pechay ₱40 kada kilo, Beans ₱60, at Patatas ₱90.
Narito naman ang presyo ng lowland vegetables:
Talong – ₱55 kada kilo
Ampalaya – ₱100 kada kilo
Okra – ₱100 kada kilo
Kalabasa – ₱30 kada kilo
Sigarilyas – ₱60 kada kilo
Upo – ₱30 kada kilo
Ayon sa mga nagtitinda, walang problema ngayon sa suplay ng gulay kaya stable pa ang presyuhan nito.
Samantala, nananatili namang matumal ang bentahan ng baboy sa Mega Q-Mart.
Ito ay kahit nasa ₱310 na lang ang kada kilo ng kasim habang ₱340 ang kada kilo ng liempo. | ulat ni Merry Ann Bastasa