Presyo ng ilang agri commodities, bumaba sa unang bahagi ng Marso — PSA

Facebook
Twitter
LinkedIn

May tapyas sa presyo ng ilang pangunahing bilihin sa bansa partikular ng agricultural commodities sa unang bahagi ng Marso base sa monitoring ng Philippine Statistics Authority (PSA).

Kabilang sa bumaba ang presyo ay ang bangus, kamatis, pulang sibuyas, kalamansi, at pulang asukal.

Ayon sa PSA, bumaba ng piso ang presyo ng kada kilo ng bangus na nasa ₱212.17 sa unang bahagi ng marso.

Nasa halos sampung piso naman ang ibinaba sa presyo ng kamatis na ngayon ay may average retail price na ₱88.55 kada kilo mula sa ₱98.37 kada kilo noong Pebrero.

Malaki rin ang ibinaba sa presyo ng sibuyas na nasa ₱144.32 kada kilo mula sa ₱162.62 na presyuhan nito noong Pebrero.

Samantala, bahagya namang gumalaw ang presyo ng well milled rice na umakyat sa ₱56.90 ang kada kilo nitong unang bahagi ng Marso.

Mayroon ding naitalang pagtaas sa presyo ng liempo na naitala sa ₱352.41 kada kilo mula sa ₱346.61 noong Pebrero. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us