Nananatiling matatag ang suplay at presyo ng itlog sa mga pamilihan sa kabila ng banta ng salmonella.
Sa pag-iikot ng Radyo Pilipinas, karamihan sa mga nagtitinda ng itlog ay nagmamay-ari rin ng poultry kaya’t tinitiyak ng mga ito sa kanilang mga parokyano na maayos ang handling ng kanilang itinitindang itlog.
Kasalukuyang naglalaro sa P6 hanggang P7 ang kada piraso ng itlog depende sa presyo.
Aminado naman ang mga nagtitinda ng itlog na may epekto sa produksyon nito ang mainit na panahon dahil lumiliit ang sukat nito.
Nabatid na batay sa datos ng Department of Science and Technology (DOST), pumalo sa 13,000 ang tinamaan ng salmonella infection noong 2023.
Bunsod ito ng hindi tamang handling ng mga sariwang produkto gaya ng ilog. | ulat ni Jaymark Dagala