Bad news para sa ating mga motorista ngayong darating na Holy Week, dahil inaasahang tataas ang presyo ng produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ayon kay Department of Energy (DOE) Oil Industry Management Bureau Director III Rodela Romero, posibleng umabot ₱1.45 hanggang ₱1.75 ang kada litro ng diesel, habang ₱2.20 hanggang ₱2.40 naman sa kada litro ng gasolina.
Samantala, kapag natapos na ang trading ngayon araw ay ilalabas sa Lunes ang magiging pinal na presyo nito na ipatutupad sa darating na Martes. | ulat ni AJ Ignacio